Nasaan ka?
29 September 2006nasaan na ang TALIM ng iyong titig?
pinapurol ba ng pagkababad sa alat ng luhang di pumatak?
nasaan na ang TIKAS ng iyong tindig?
ulo'y nakayuko; pati bunbunan mo'y pilit nagtatago.
nasaan ang HAGUPIT ng iyong salita?
nilunok na sumpa'y tinunaw ang kapal ng iyong apog.
nasaan ang iyong kinabukasan?
puso mong nabubulok-- balot ng takot at pagkabalisa,
puso mong salat at walang ibang kakapitan,
ay ang pusong patuloy na nananampalataya.
bilib ako.
0 burp(s):
Post a Comment
<< Home