INDYANERO

16 June 2006

Parang ganito ang nangyari, engaged na tayo nung Abril at dapat kasal natin kahapon. Ilang linggo bago ang kasal, wala akong balitang narinig sa iyo-- may telepono naman o di kaya'y text.

Bisperas ng takdang araw, eto ka't iniiwan ako sa ere, ipino-proxy ang kapatid mong nasa probinsya. Sabi mo, siya ang haharap sa akin sa altar. Ako naman si tanga, nag-aabang sa altar kinabukasan, antay ang kapatid mong naka traje de boda. Pero ang probinsyana, di asawa ang hanap kung hindi syota. Kelangan ko muling manligaw-- mag-igib ng tubig at magpalakol ng mga panggatong. "Bukas" bumalik daw ako dala ang mababangong bulaklak. Sige.


Ngayon, ako naman ang i-indyan sa iyo. Eto ka!!!

exhaled by milbenski at 10:39 AM | 2 comments

2 burp(s):

Blogger Lyn blabbered...

mukang naiintindihan ko. eto ba ung tungkol sa balitang hatid ng hangin, araw at bituin?

kaya mo yan...

nakikita ko pa rin pala si red sa educ (kanina lang). di na yata niya ako kilala e. nahihiya naman akong mag-hi sa kanya.

11:34 PM

 
Blogger The King blabbered...

ako, hindi ko gets... haaay..

salamat sa laging pagdaan sa aking blog, kuya milben, hehe.. :)

2:53 AM

 

Post a Comment

<< Home