Nostalgia

01 June 2006

Gitara
1999. A la una nang madaling araw.
Tayo ang magkaniig sabay sa oyaying hinabi ng ating mga kwerdas.
Di alintana ang mga patagong taingang nakikinig at mga pusong nakikiawit.
Gabay ang songhits na nagbinyag ng bagong titik sa kanta.
Di bale na, magkasingtunog din naman.


Radyo
2006. A las ocho y media nang umaga.
Sa silid na puno ng alaalang inalikabok at inagiw,
mga panauhing pangdangal ko sina Chico at Delamar na
Wala pa ring kupas sa ratsada at patutsada.
Katiyempo namin ang musikang humuhugot sa nakaraan.
Sampal ng bahin at haching ang gumising sa diwang naglakbay.

exhaled by milbenski at 8:15 PM | 0 comments

0 burp(s):

Post a Comment

<< Home