UNAN
21 January 2005
Something I wrote in September. It does not showcase what I presently feel. I just feel like sharing the story. Enjoy!
ARAY! ARAY! Sikip naman ng yakap mo!
Hindi ako makahinga! Hayan... mabuti't
niluwagan mo nang kaunti... O, bakit???
Naku! Basa na naman ako... Tahan na... Lagi
ka na lang ganito tuwing naiiwan kang mag-
isa.
Kagabi sa sinehan, tinopak ka raw... Hindi mo
nakayanan ang tawanan at halakahakan ng
mga kaibigan mo... Nairita ka dahil masaya
sila... Samantalang ikaw ay uwing-uwi na...
Tama ba?
Gusto mo na akong yakapin nang mahigpit...
At basain ng iyong mga luha.
Sabi mo pa nga, pagod ka nang umarte... Hirap
ka nang palabasin na okay lang ang lahat...
Ang katotohanan, ganito ka... Parang basang-
sisiw... Pero sa kanila, isa kang agila...
Matayog ang lipad... Walang
makapagpapabagsak. Bilib sila sa iyo. Ikaw
lang ang hindi.
Hoy! Ano yang iniisip mo?!!! Tanga ka ba?!!!
Pag ginawa mo yan, ikaw ang talo!!!
Kinabahan ako dun ha... Sige na nga... Iiyak
mo lang yan. Okay lang umiyak...
Ako ba kausap mo? Ha? Ano?...
Nagdarasal ka pala... Tama yan!
May tao ata!!! Punasan mo na ang mga mata
mo... Tapos na ang panandaliang pahinga...
Simula na naman ang palabas.
Paalam... Hanggang sa muli mong pag-
iisa... Nandito lang ako... Handang
magpayakap... Handang maging pamunas ng mga
luha mo.
lab,
unan
p.s. palitan mo na sana ang punda ko
8 burp(s):
salamat sa post na 'to. nakarelate ako.
unan na nga lang lagi ang kakampi ko.. at sino nga ba ang maghihinalang umiiyak din ang isang tulad kong akala nila ay matatag, matapang, maayos ang buhay...
"agila", pero sa mga nakaka-alam at nakakasaksi ng mga pangyayari, isa nga akong "basang-sisiw" pag naiiwang mag-isa.
taimtim kong kinikimkim ang lahat ng pasakit na idinulot ng mga pangyayari. nakakalungkot isipin na wala lang ako sa buhay ng mga taong isinama ko na sa aking mga pangarap.
ngunit haharapin ko ang lahat. at marahil sa pagkakataong ito'y magiging tunay na "agila" ako. umaasa ako... at patuloy na umaasa sa isang magandang bukas...
10:30 PM
ang mga unan lang natin ang laging tanging saksi sa mga panahong hindi man natin naisin ay malungkot tayo..
mga panahong ayaw nating ipasahod ang ating mga luha sa balikat ng mga kaibigan..
mga panahong hindi natin kayang ipakita sa ibang tao na mahina tayo..
mga panahong nagdurugo ang ating mga puso..
kagabi, may mga impit na luhang tumulo mula sa mga mata ko.
nakahinga siguro ang unan ko..
may mga balikat na naunang sumalo sa mga luhang pinaagos ko..
malimit din kasing mabasa ang unan ko.
(minsan nga, hindi lang ng luha ko, pati ng laway ko..)
at kung nakapagsasalita lang siya, malamang nasabi na niyang.. ako! ako! lagi na lang ako...
haay, mahirap maging isang unan..
buti na lang, hindi pa ko nakakarinig ng unan na nagrereklamo.
pero kung sakaling humihiyaw na ang unan mo, tandaan mo..
laging handang maging unan ang mga balikat ko.
sasaluhin niya ang mga luha mo..
kahit pa mga laway mo..
11:35 AM
enjoy basahin. grabe. more, more... can't help but sigh on how your mind works creatively. wish i can do something like this myself. used to think i can. not really sure now. galing!
liked the punch line.
no, i'm not going to say naka-relate ako.
no, i'm not going to say na binago mo pagtingin ko sa unan ko.
no, i'm not going to say na mamaya, baka palitan ko na punda ng unan ko.
hehe... God bless, me frend.
11:42 PM
i remember this september event na to...
i so felt this way a few months back, july to august to be specific...
karelate ako.
it's a good thing it's not applicable to you anymore.
miss you all! (konek!)
12:48 AM
napakahirap mag log-in, errr!
Nyway cocomment lang ako: Ang galing, unan...ang cute! Hihi!
-bobbie-
4:20 PM
Hi ben..I love this one.an attempt at poetry? hmm...haha! :) anyway, this is soo true.
2:06 PM
Ben:
Be happy, you are loved.
4:43 PM
di ako maka-relate sa UNAN... kasi di ako umiiyak sa kuwarto.
sa banyo ako umiiyak, sabay ligo para di halatang umiyak... dutsa (shower) ang saksi sa lahat.
10:55 AM
Post a Comment
<< Home