Natuturuan ba ang Pusong Magmahal?

12 February 2006

Dalawang buwan na kami at unang beses naming i-cecelebrate and Valentine's Day!

Paano kami nagsimula?

Huling linggo ng Nobyembre nakaraang taon nang magpasya akong ligawan siya. Gumamit ako nang matinding pambobola at mabubulaklak na salita para lamang marinig ang matamis niyang "OO". Matapos ang isang linggo, naging opisyal kaming mag- "ON".

Naging malambing ang aming pagsasama. Halos gabi-gabi ang mga date sa telepono at internet. Minsa'y mainit siya magmahal pero kadalasa'y kailangan ko pa ng jacket sa tindi ng lamig ng kanyang pakikitungo.

Di ko tuloy maiwasang ikumpara sa dati kong nakarelasyong niligawan ko ng mahigit-higit tatlong buwan. Pero di nagtagal na ang ex ko ay panay na ang reklamo pati na ang aking pananamit ay pinakikialaman-- gusto laging mukhang sputing ala taga benta ng insurance kumbaga. Demanding at stressful! Kaya ayun after a little more than a month, iniwan ko nga siya!

Sa kasamaang palad, baka sa hiwalayan din mauwi ang relasyon ko ngayon. Tapos na ata kami sa getting-to-know stage. Pangit mang sabihin pero parang pinagsawaan ko na siya. Ang dating exciting, ngayo'y boring na! Gusto ko ng break-up o kay cool off man lang. But greater than this, may gusto akong patunayan sa inyong lahat at higit sa lahat sa aking sarili: this is not a life pattern-- o ningas cugon attitude. Kaya, short term goal ko is for us to last around June then, we shall assess if our relationship is worth fighing for pa.

Pero ngayon, kailangan kong matutunang siyang mahalin, ma-appreciate ang beauty niya and i-grab ang every opportunity to grow and acquire knowledge. In short, make most of our relationship.

By the way, nakatira siya sa Makati-- mayaman (nagmamay-ari ng isang building sa kanto ng Ayale at Gil Puyat). Pangalan niya'y Job at tawag niya sa aki'y eRep.

exhaled by milbenski at 9:43 AM | 0 comments

0 burp(s):

Post a Comment

<< Home