Dueto at Duelo
16 July 2005
NIYEBE
Kay aga ng hanging amihan sa niyebeng bitbit nito ngayong Hulyo.
Di sapat ang kumot ng Iloko sa lamig ng iyong ihip.
Ginising ako sa panaginip na lumalason sa realidad--
iba na ang kanyang tingin, ang mga salita, at pintig ng puso. Iba na siya.
HARDIN NG ROSAS
Ang mga luhang nagdilig sa hardin,
kung hindi man sapat na payabungin muli ang tuyot na rosas
ay mabisang panglanggas naman sa natinik kong pagkatao.
Sasapit ang panahon ng tagsibol.
Tiyak na sasagana ang hardin ng mga rosas.
At isa sa mga ito ay magiging akin.
Di bale nang masugat uli ng tinik
wag lamang matuyot muli ang mga talulot.
Sintunado ang dueto. Wala namang talo sa duelo.
2 burp(s):
ben,
in time...
Ü
6:05 PM
bin, i like the new lay out. very revolutionary! :D
wala na kaming tag-board d2 sa ofis.. :(
4:53 AM
Post a Comment
<< Home